Thursday, July 14, 2005 [ 5:54 PM ]



Ang gulo...

Ang ating mga magulang ang nagtuturo sa atin ng maraming bagay, sa kanila tayo unang natutong kumain, uminom, magbasa, magsulat at marami pang iba... kung minsan pati mang-asar.

pero hindi maiiwasan kung minsan e sadyang mahirap silang "ispelengin" o yung mahirap malaman kung ano ba talaga ang gusto... unpredictable ba. Pero hindi naman ito madalas...

Sa minsang pagkakataon habang pinagagalitan ng tiyahin ko ang aking pinsan... ako mismo ay naguluhan...

Tita: walang hiya kang bata ka... gabi ka na naman umuwi! hindi kana nakakatulong dito sa
bahay! puro ka laro... nagubos kana naman ng pera mo ano...! #@45!*%#$@!!!
Pinsan: ...
Tita: Ano saan kana naman nanggaling hayup ka?
Pinsan: ...
Tita: pag kinakausap ka sasagot ka! hayup ka talaga @3#$%^&*
Pinsan: pumunta lang po ako kinaaa... (hindi na natapos ang sinasabi)
Tita; AH! sumasagot ka pa ah! tok! slpag! sinasagot-sagot mo na ko ngayo ah! 3%#$&*@##!

Ang gulo talaga ni tita, di mo malaman ang gusto... pero di pa natapos dun...

Tita: ikaw bata ka talaga hayup ka napaaway na naman ako sa kapit bahay dahil sayo
puro kalokohan ang alam mo sa buhay... puro kahihiyan nalang ang binibigay mo sa 'kin!

Ayos lang sana, tahimik lang si pinsan dahil alam naman nyang siya ang mali at natural lang na pagalitan siya ng ina... pero makalipas ang ilang araw e napagalita ulit si pinsan...

Tita: Ano ka bang bata ka wala kana bang alam na gawing matino sa buhay mo! @#$%^^!!! hindi mo na 'ko binigyan ng kahihiyan!
Pinsan: ...tsk! pag bininigyan ng kahihiyan galit. pag hindi binigyan galit...

Ano nga ba ang gusto ni tita? hmp... malamang ay nadala lang siya ng emosyon at hindi na namamalayan ang sinasabi... alangan namang galit kana e iisipin mo pa yung grammar mo... pero buti nalang at hindi ganun si nanay...


0 Comments:

Post a Comment

<< Home