Thursday, July 14, 2005 [ 5:30 PM ]



Philosophy

Pilosopo nga ba talaga ang mga pinoy?
sabi nila marami daw sa mga pilipino ang pilosopo...
pilosopo in its negative connotation... un bang tila nangangatuwiran ng baluktot...
un tipong makapangatwiran lang... at the same time e makapangasar na din...
likas ba sa mga pinoy yun?

Nung minsang nakasakay ako sa jeep, byaheng "Monumento via Letre"...

Sa simula palang mapapansin na ang pagiging palabiro ng driver... lahat na ata ng makasalubong na kapwa driver ay kakilala nya at kabiruan...

Sa isang kanto ay may sumakay na isang lalake, yun tipong tatay na ang itsura, naka-maong, T-shirt at alpombra na sinelas... Tila bago lang sa lugar ang lalake kung kaya nagtanong ito sa driver ng halaga ng pamasahe...

Pasahero: Manong magkano Monumento?
Driver:(habang nakangisi) Monumento? tanong mo kay Mayor... hindi ako nagbebenta nyan
Pasahero: putcha!

Sa isa na namang pagkakataon, habang nakasakay ako sa jeep ulet... byaheng "Gasak-Recto" naman..

Pasahero: Manong bayad oh...
Driver: Saan galing to?
Pasahero:Saan galing? dito sa bulsa ko...gago

Ang akala ko ay yun na ang huling beses na makakasabay ako sa ganung pasahero pero...
sa jeep ulet... byaheng "Recto-Gasak"...pauwi naman...
Nagbayad ang isang pasahero....

Driver: Saan sumakay to'?
Pasahero: Saan sumakay? bah edi dito sa jeep mo saan pa ba?

Hindi ko alam kung bakit pero mukhang talagang swerte lang ako na makakita ng mga ganoong usapan sa jeep dahil sa isa namang byahe..."Recto-Navotas"...
Pasahero: tok! tok! tok! (kinatok ng lalake ang kisame ng jeep para pumara)
Pasahero:: tok! tok! tok!
Driver: Bukas ho yan.. tuloy kayo...

alam kong hindi pa ito ang huli....pero.....

Pilosopo nga ba ang mga Pinoy?

ewan...

basta ang alam ko... karamihan sa atin e mapang-asar...


0 Comments:

Post a Comment

<< Home